Ang kalendaryo na may 365 araw sa isang taon na hinati sa 12 buwan ay mula sa mga sinaunang Ehipsyanong astronomo noong 424BCE. Ginawa nila ito upang masubaybayan ang paghaba ng Nile.
• Nabuo ang sistemang panulat ng mga sinaunang Ehipsyano na tinawag na Hieroglyphics o hiroglipiko noong 3000 BCE. Itoay binubuo ng mga salitang hiero, isang salitang Griyego na nangangahulugang sagrado o banal, at glype na ang ibig sabihin ay paglililok. Unang ginamit ng mga pari sa mga ritwal ang hiroglipiko. Binubuo ito ng mga ideogramo at ponogramo. Mayroon itong 24 simbolo at ang bawat isa ay may tig-isang titik ng katinig. Bukod sa 24 simbolo, mayroon pang 80 simbolo na may tig-dalawang katinig.
• Ang mga piramide ang kauna-unahang monumentong bato na nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Ang pinakamalaking piramide ay ang piramide ni Khufu o Cheops na nasa Giza.
• Ang pagkakaimbento ng papel mula sa dahon ng halamang papyrus ay nagmula rin sa mga sinaunang Ehipsyano.
• Ang mummification o proseso ng pag-eembalsamo ay nagsimula noong 2600 B.C. sa ilalim din ng pamumuno ni Khufu. Natagpuan ang pinakalumang mummy sa Medum ni Sir Flinders Petrie na tinatayang inembalsamo noong panahong iyon.
• Ang mastaba ay mga naunang bersyon ng piramide. Una itong itinayo sa panahon ni Haring Djer noong 2900BC
• Naimbento rin ang araro sa panahong ito.
• Pagtatayo ng malaking imbakan ng tubig na tinawag na faiyum na nagtustos ng tubig sa panahon ng tagtuyot. Ginagamit pa rin hanggang ngayon ang sistemang ito ng irigasyon.
• Amarna art noong panahon ni Ikhnaton na nagpapahalaga sa pagiging makatotohanan ng mga bagay na inilalarawan
.
maraming salamat lahat ng kailangan ko andito na lovelotss thanks !!
TumugonBurahinSa wakas, paborito ko talaga ang ehipto dahil ang ganda ng kultura nila
TumugonBurahinPILLAR MEN INTRO :D
TumugonBurahinEgols
TumugonBurahinEgols
TumugonBurahin